Surah Al-Ḥashr (Ang Pagtipon — الحشر) (Talata 22)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




59 Al-Ḥashr(الحشر), Talata 22

هُوَ اللَّهُ الَّذِي لَا إِلَٰهَ إِلَّا هُوَ ۖ عَالِمُ الْغَيْبِ وَالشَّهَادَةِ ۖ هُوَ الرَّحْمَٰنُ الرَّحِيمُ 22 ٢٢

Siya ay si Allāh na walang Diyos [na karapat-dapat] kundi Siya, ang Tagaalam sa nakalingid at nasasaksihan. Siya ay ang Napakamaawain, ang Maawain. (22)

Tafsīr
Siya ay si Allāh na walang sinasamba ayon sa karapatan na iba pa sa Kanya, ang Nakaaalam sa nakalingid at nakalantad: walang nakakukubli sa Kanya na anuman mula roon, ang Napakamaawain sa Mundo at Kabilang-buhay at ang Maawain sa dalawang ito: sumakop ang awa Niya sa dalawang daigdig, ang Hari na pinawalang-kaugnayan sa kasiraan, ang Binanal laban sa bawat kakulangan, ang Malaya sa bawat kapintasan, ang Tagapagpaniwala sa mga sugo sa pamamagitan ng mga kahanga-hangang himala, ang Mapagmasid sa mga gawain ng mga lingkod Niya, ang Makapangyarihan na walang nakadadaig sa Kanya na isa man, ang Palasupil na lumupig sa pamamagitan ng panunupil Niya sa bawat bagay, ang Nakapagmamalaki. Nagpawalang-kaugnayan si Allāh at nagpakabanal higit sa anumang itinatambal sa Kanya ng mga tagapagtambal na mga diyus-diyusan at iba pa sa mga ito.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba