Surah Al-Ḥashr (Ang Pagtipon — الحشر) (Talata 5)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




59 Al-Ḥashr(الحشر), Talata 5

مَا قَطَعْتُمْ مِنْ لِينَةٍ أَوْ تَرَكْتُمُوهَا قَائِمَةً عَلَىٰ أُصُولِهَا فَبِإِذْنِ اللَّهِ وَلِيُخْزِيَ الْفَاسِقِينَ 5 ٥

Ang anumang pinutol ninyo na isang [punong] datiles [nila] o iniwan ninyo ito na nakatayo sa mga puno nito ay ayon sa pahintulot ni Allāh at upang magpahiya Siya sa mga suwail. (5)

Tafsīr
Ang anumang pinutol ninyo, O katipunan ng mga mananampalataya, na isang [punong] datiles upang magpangitngit kayo sa mga kaaway ni Allāh sa paglusob ng angkan ng Naḍīr, o iniwan ninyo ito na nakatayo sa mga puno nito upang makinabang kayo rito ay ayon sa utos ni Allāh at hindi kabilang sa kaguluhan sa lupa gaya ng inakala nila, at upang abahin ni Allāh sa pamamagitan nito ang mga lumalabas sa pagtalima sa Kanya kabilang sa mga Hudyo na sumira sa kasunduan at pumili sa landas ng pagtataksil higit sa daan ng pagtupad.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba