Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Ang anumang ipinakumpiska ni Allāh sa Sugo Niya mula sa mga naninirahan sa mga pamayanan ay ukol kay Allāh, ukol sa Sugo, ukol sa may pagkakamag-anak [sa Sugo], mga ulila, mga dukha, at kinapos sa landas upang hindi ito maging isang yamang palipat-lipat sa pagitan ng mga mayaman kabilang sa inyo. Ang anumang ibinigay sa inyo ng Sugo [na si Propeta Muḥammad] ay kunin ninyo at ang anumang sinaway niya sa inyo ay tigilan ninyo. Mangilag kayong magkasala kay Allāh; tunay na si Allāh ay matindi ang parusa. (7)
Tafsīr
Ang anumang ibiniyaya ni Allāh sa Sugo Niya mula sa mga yaman ng mga naninirahan sa mga pamayanan nang walang pakikipaglaban ay ukol kay Allāh – itinatalaga Niya ito para sa sinumang niloloob Niya – ukol sa Sugo bilang pagmamay-ari, ukol sa mga may pagkakaanak Niya kabilang sa liping Hāshim at liping Al-Muṭṭalib bilang pagtutumbas para sa kanila kapalit ng ipinagkait sa kanila mula sa kawanggawa, ukol sa mga ulila, ukol sa mga maralita, at ukol sa estrangherong naubusan ng panggugol nito upang hindi malimitahan ang pagpapalipat-lipat ng yaman sa mga mayaman bukod pa sa mga maralita. Ang anumang ibinigay sa inyo ng Sugo mula sa mga yaman na nakumpiska ay kunin ninyo, O mga mananampalataya, at ang anumang sinaway niya sa inyo ay tigilan ninyo. Mangilag kayong magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya. Tunay na si Allāh ay matindi ang parusa kaya mag-ingat kayo sa parusa Niya.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: