Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Ḥashr — Talata 7 (Tagalog) — Bidyo

Al-Ḥashr • Talata 7 sa 24 • Tagalog


مَا أَفَاءَ اللَّهُ عَلَىٰ رَسُولِهِ مِنْ أَهْلِ الْقُرَىٰ فَلِلَّهِ وَلِلرَّسُولِ وَلِذِي الْقُرْبَىٰ وَالْيَتَامَىٰ وَالْمَسَاكِينِ وَابْنِ السَّبِيلِ كَيْ لَا يَكُونَ دُولَةً بَيْنَ الْأَغْنِيَاءِ مِنْكُمْ ۚ وَمَا آتَاكُمُ الرَّسُولُ فَخُذُوهُ وَمَا نَهَاكُمْ عَنْهُ فَانْتَهُوا ۚ وَاتَّقُوا اللَّهَ ۖ إِنَّ اللَّهَ شَدِيدُ الْعِقَابِ 7
Pagsasalin:
Ang anumang ipinakumpiska ni Allāh sa Sugo Niya mula sa mga naninirahan sa mga pamayanan ay ukol kay Allāh, ukol sa Sugo, ukol sa may pagkakamag-anak [sa Sugo], mga ulila, mga dukha, at kinapos sa landas upang hindi ito maging isang yamang palipat-lipat sa pagitan ng mga mayaman kabilang sa inyo. Ang anumang ibinigay sa inyo ng Sugo [na si Propeta Muḥammad] ay kunin ninyo at ang anumang sinaway niya sa inyo ay tigilan ninyo. Mangilag kayong magkasala kay Allāh; tunay na si Allāh ay matindi ang parusa. Al-Ḥashr 59:7
Tafsīr:
Ang anumang ibiniyaya ni Allāh sa Sugo Niya mula sa mga yaman ng mga naninirahan sa mga pamayanan nang walang pakikipaglaban ay ukol kay Allāh – itinatalaga Niya ito para sa sinumang niloloob Niya – ukol sa Sugo bilang pagmamay-ari, ukol sa mga may pagkakaanak Niya kabilang sa liping Hāshim at liping Al-Muṭṭalib bilang pagtutumbas para sa kanila kapalit ng ipinagkait sa kanila mula sa kawanggawa, ukol sa mga ulila, ukol sa mga maralita, at ukol sa estrangherong naubusan ng panggugol nito upang hindi malimitahan ang pagpapalipat-lipat ng yaman sa mga mayaman bukod pa sa mga maralita. Ang anumang ibinigay sa inyo ng Sugo mula sa mga yaman na nakumpiska ay kunin ninyo, O mga mananampalataya, at ang anumang sinaway niya sa inyo ay tigilan ninyo. Mangilag kayong magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya. Tunay na si Allāh ay matindi ang parusa kaya mag-ingat kayo sa parusa Niya.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Ḥashr • Talata 6 Susunod Al-Ḥashr • Talata 8