Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Ḥashr — Talata 8 (Tagalog) — Bidyo

Al-Ḥashr • Talata 8 sa 24 • Tagalog


لِلْفُقَرَاءِ الْمُهَاجِرِينَ الَّذِينَ أُخْرِجُوا مِنْ دِيَارِهِمْ وَأَمْوَالِهِمْ يَبْتَغُونَ فَضْلًا مِنَ اللَّهِ وَرِضْوَانًا وَيَنْصُرُونَ اللَّهَ وَرَسُولَهُ ۚ أُولَٰئِكَ هُمُ الصَّادِقُونَ 8
Pagsasalin:
[May bahagi] para sa mga maralitang tagalikas, na mga pinalisan mula sa mga tahanan nila at mga yaman nila, habang naghahangad ng isang kabutihang-loob mula kay Allāh at isang pagkalugod, at nag-aadya kay Allāh at sa Sugo Niya. Ang mga iyon ay ang mga tapat. Al-Ḥashr 59:8
Tafsīr:
Naglalaan ng isang bahagi mula sa yamang ito para sa mga maralitang lumikas sa landas ni Allāh, na mga pinuwersa sa pag-iwan ng mga yaman nila at mga anak nila habang umaasa na magmabuting-loob si Allāh sa kanila sa pamamagitan ng pagtustos sa Mundo at sa pamamagitan ng pagkalugod sa Kabilang-buhay. Nag-aadya sila kay Allāh at nag-aadya sila sa Sugo Niya sa pamamagitan ng pakikibaka sa landas ni Allāh. Ang mga nailarawang iyon sa mga katangiang iyon ay ang mga nagpakalalim sa kaalaman nang totohanan.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Ḥashr • Talata 7 Susunod Al-Ḥashr • Talata 9