Surah Al-An‘ām (Ang mga Alagang Hayop — الأنعام) (Talata 100)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




6 Al-An‘ām(الأنعام), Talata 100

وَجَعَلُوا لِلَّهِ شُرَكَاءَ الْجِنَّ وَخَلَقَهُمْ ۖ وَخَرَقُوا لَهُ بَنِينَ وَبَنَاتٍ بِغَيْرِ عِلْمٍ ۚ سُبْحَانَهُ وَتَعَالَىٰ عَمَّا يَصِفُونَ 100 ١٠٠

Gumawa sila para kay Allāh ng mga katambal – ang mga jinn samantalang nilikha Niya ang mga ito – at gumawa-gawa sila para sa Kanya ng mga anak na lalaki at mga anak na babae nang walang kaalaman. Kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya higit sa anumang inilalarawan nila. (100)

Tafsīr
Gumawa ang mga tagapagtambal sa mga jinn bilang mga katambal para kay Allāh sa pagsamba nang naniwala sila na ang mga ito ay nakapagpapakinabang at nakapipinsala, samantalang nagpairal nga sa kanila si Allāh at hindi lumikha sa kanila ang iba pa sa Kanya, kaya naman Siya ay higit na karapat-dapat na sambahin. Lumikha-likha sila [para sa Kanya] ng mga anak na lalaki gaya ng ginawa ng mga Hudyo kay Ezra at ng mga Kristiyano kay Hesus, at ng mga anak na babae gaya ng ginawa ng mga tagapagtambal sa mga anghel. Pagkasakdal-sakdal Siya at pagkabanal-banal Siya kaysa sa anumang inilalarawan sa Kanya ng mga kampon ng kabulaanan.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba