Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-An‘ām — Talata 100 (Tagalog) — Bidyo

Al-An‘ām • Talata 100 sa 165 • Tagalog


وَجَعَلُوا لِلَّهِ شُرَكَاءَ الْجِنَّ وَخَلَقَهُمْ ۖ وَخَرَقُوا لَهُ بَنِينَ وَبَنَاتٍ بِغَيْرِ عِلْمٍ ۚ سُبْحَانَهُ وَتَعَالَىٰ عَمَّا يَصِفُونَ 100
Pagsasalin:
Gumawa sila para kay Allāh ng mga katambal – ang mga jinn samantalang nilikha Niya ang mga ito – at gumawa-gawa sila para sa Kanya ng mga anak na lalaki at mga anak na babae nang walang kaalaman. Kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya higit sa anumang inilalarawan nila. Al-An‘ām 6:100
Tafsīr:
Gumawa ang mga tagapagtambal sa mga jinn bilang mga katambal para kay Allāh sa pagsamba nang naniwala sila na ang mga ito ay nakapagpapakinabang at nakapipinsala, samantalang nagpairal nga sa kanila si Allāh at hindi lumikha sa kanila ang iba pa sa Kanya, kaya naman Siya ay higit na karapat-dapat na sambahin. Lumikha-likha sila [para sa Kanya] ng mga anak na lalaki gaya ng ginawa ng mga Hudyo kay Ezra at ng mga Kristiyano kay Hesus, at ng mga anak na babae gaya ng ginawa ng mga tagapagtambal sa mga anghel. Pagkasakdal-sakdal Siya at pagkabanal-banal Siya kaysa sa anumang inilalarawan sa Kanya ng mga kampon ng kabulaanan.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-An‘ām • Talata 99 Susunod Al-An‘ām • Talata 101