Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-An‘ām — Talata 99 (Tagalog) — Bidyo

Al-An‘ām • Talata 99 sa 165 • Tagalog


وَهُوَ الَّذِي أَنْزَلَ مِنَ السَّمَاءِ مَاءً فَأَخْرَجْنَا بِهِ نَبَاتَ كُلِّ شَيْءٍ فَأَخْرَجْنَا مِنْهُ خَضِرًا نُخْرِجُ مِنْهُ حَبًّا مُتَرَاكِبًا وَمِنَ النَّخْلِ مِنْ طَلْعِهَا قِنْوَانٌ دَانِيَةٌ وَجَنَّاتٍ مِنْ أَعْنَابٍ وَالزَّيْتُونَ وَالرُّمَّانَ مُشْتَبِهًا وَغَيْرَ مُتَشَابِهٍ ۗ انْظُرُوا إِلَىٰ ثَمَرِهِ إِذَا أَثْمَرَ وَيَنْعِهِ ۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكُمْ لَآيَاتٍ لِقَوْمٍ يُؤْمِنُونَ 99
Pagsasalin:
Siya ay ang nagpababa mula sa langit ng tubig kaya nagpalabas sa pamamagitan nito ng halaman ng bawat bagay, saka nagpalabas mula rito ng mga luntian, na nagpapalabas mula sa mga ito ng mga butil na nagkakapatung-patong at mula sa mga punong datiles mula sa bunga ng mga ito ng mga buwig na naaabot, at ng mga hardin ng mga ubas, ng mga oliba, at mga granada, na nagkakahawigan at hindi nagkakahawigan. Tumingin kayo sa mga bunga ng mga ito kapag namunga ang mga ito at sa paghinog ng mga ito. Tunay na sa gayon ay talagang may mga tanda para sa mga taong sumasampalataya [kay Allāh]. Al-An‘ām 6:99
Tafsīr:
Siya – kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya – ay ang nagpababa mula sa langit ng tubig, ang tubig ng ulan. Nagpatubo Siya sa pamamagitan nito ng bawat isa sa mga uri ng mga halaman. Nagpalabas Siya mula sa mga halaman ng mga pananim at mga punong luntian, na nagpapalabas naman Siya mula sa mga ito ng mga butil na pumapatong sa isa't isa gaya ng nangyayari sa mga puso ng mga butil. Mula sa mga bulaklak ng mga punong datiles lumalabas ang mga piling ng mga ito nang malapit, na naaabot ng nakatayo at nakaupo. Nagpalabas Siya ng mga hardin ng mga ubas. Nagpalabas Siya ng oliba at granada, na nagkakatulad ang mga dahon ng dalawang ito, na nagkakaiba ang mga bunga ng dalawang ito. Tumingin kayo, O mga tao, sa mga bunga ng mga ito sa unang paglitaw at sa mga ito kapag nahihinog. Tunay na sa gayon, O mga tao, ay talagang may mga patunay na maliwanag sa kakayahan ni Allāh para sa mga taong sumasampalataya kay Allāh sapagkat sila ay ang mga nakikinabang sa mga patunay at mga patotoong ito.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-An‘ām • Talata 98 Susunod Al-An‘ām • Talata 100