Ang Mapagpasimula ng mga langit at lupa ay paano nagiging mayroong anak samantalang hindi naman Siya naging mayroong asawa? Lumikha Siya ng bawat bagay at Siya sa bawat bagay ay Maalam. Al-An‘ām 6:101 ⧉
Tafsīr:
Siya – kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya – ay Tagalikha ng mga langit at Tagalikha ng lupa nang walang naunang pagkakatulad. Papaano mangyayaring mayroon siyang anak samantalang hindi naman nangyaring mayroon siyang asawa? Siya ay lumikha nga sa bawat bagay at Siya sa bawat bagay ay maalam: walang nakakukubli sa Kanya na anuman.