Surah Al-An‘ām (Ang mga Alagang Hayop — الأنعام) (Talata 108)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Huwag kayong mang-alipusta sa mga dinadalanginan nila bukod pa kay Allāh para mag-alipusta sila kay Allāh dala ng pang-aaway nang walang kaalaman. Gayon ipinang-akit Namin para sa bawat kalipunan ang gawa nila. Pagkatapos tungo sa Panginoon nila ang babalikan nila saka magbabalita Siya sa kanila hinggil sa dati nilang ginagawa. (108)
Tafsīr
Huwag kayong mang-alipusta, O mga mananampalataya, sa mga anitong sinasamba ng mga tagapagtambal kasama kay Allāh, kahit pa man ang mga ito ay pinakahamak na bagay at pinakakarapat-dapat sa pag-alipusta, upang hindi mang-alipusta ang mga tagapagtambal kay Allāh dala ng pagmamataas laban sa Kanya at kamangmangan sa naaangkop sa Kanya – kaluwalhatian sa Kanya. Kung paanong ipinang-akit para sa mga ito ang taglay ng mga ito na pagkaligaw, ipinang-akit ni Allāh para sa bawat kalipunan ang gawa nila, kabutihan man o kasamaan, kaya ginawa nila ang ipinaakit Niya sa kanila mula roon. Pagkatapos tungo sa Panginoon nila ang babalikan nila sa Araw ng Pagbangon saka magpapabatid Siya sa kanila hinggil sa dati nilang ginagawa sa Mundo at gaganti Siya sa kanila roon.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: