Surah Al-An‘ām (Ang mga Alagang Hayop — الأنعام) (Talata 112)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Gayon Kami gumawa para sa bawat propeta ng kaaway na mga demonyo ng tao at jinn, na nagkakasi ang iba sa kanila sa iba pa ng palamuti ng sinasabi bilang panlilinlang. Kung sakaling niloob ng Panginoon mo ay hindi sana sila gumawa iyon. Kaya hayaan mo sila at ang anumang ginagawa-gawa nila, (112)
Tafsīr
Kung paanong sumubok Kami sa iyo sa pamamagitan ng pangangaway ng mga tagapagtambal na ito sa iyo, sumubok Kami sa bawat propeta noong bago mo. Nagtalaga Kami para sa bawat isa sa kanila ng mga kaaway na mga naghihimagsik na tao at mga kaaway na mga naghihimagsik na jinn. Nanulsol ang iba sa kanila sa iba pa kaya naipang-akit ng mga ito sa kanila ang kabulaanan upang linlangin sila. Kung sakaling niloob ni Allāh na hindi nila gawin iyon ay hindi sana nila ginawa iyon, subalit Siya ay lumuob sa kanila niyon bilang isang pagsubok. Kaya iwan mo sila at ang anumang ginagawa-gawa nila na kawalang-pananampalataya at kabulaanan. Huwag kang pumansin sa kanila.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: