Surah Al-An‘ām (Ang mga Alagang Hayop — الأنعام) (Talata 116)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




6 Al-An‘ām(الأنعام), Talata 116

وَإِنْ تُطِعْ أَكْثَرَ مَنْ فِي الْأَرْضِ يُضِلُّوكَ عَنْ سَبِيلِ اللَّهِ ۚ إِنْ يَتَّبِعُونَ إِلَّا الظَّنَّ وَإِنْ هُمْ إِلَّا يَخْرُصُونَ 116 ١١٦

Kung tatalima ka sa higit na marami sa mga nasa lupa ay magliligaw sila sa iyo palayo sa landas ni Allāh. Sumusunod sila sa pagpapalagay lamang at sila ay nagsasapantaha lamang. (116)

Tafsīr
Kung sakaling itinakda na ikaw ay tumalima, O Sugo, sa higit na marami sa nasa lupa kabilang sa mga tao ay magliligaw sila sa iyo palayo sa Relihiyon ni Allāh sapagkat umiral nga ang kalakaran ni Allāh na ang katotohanan ay maging kasama ng kakaunti. Ang higit na marami sa mga tao ay sumusunod sa pagpapalagay lamang na walang sinasandigan yayamang nag-akala sila na ang mga sinasamba nila ay nagpapalapit-loob sa kanila kay Allāh nang dikitan habang sila ay nagsisinungaling hinggil doon.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba