Kung tatalima ka sa higit na marami sa mga nasa lupa ay magliligaw sila sa iyo palayo sa landas ni Allāh. Sumusunod sila sa pagpapalagay lamang at sila ay nagsasapantaha lamang. Al-An‘ām 6:116 ⧉
Tafsīr:
Kung sakaling itinakda na ikaw ay tumalima, O Sugo, sa higit na marami sa nasa lupa kabilang sa mga tao ay magliligaw sila sa iyo palayo sa Relihiyon ni Allāh sapagkat umiral nga ang kalakaran ni Allāh na ang katotohanan ay maging kasama ng kakaunti. Ang higit na marami sa mga tao ay sumusunod sa pagpapalagay lamang na walang sinasandigan yayamang nag-akala sila na ang mga sinasamba nila ay nagpapalapit-loob sa kanila kay Allāh nang dikitan habang sila ay nagsisinungaling hinggil doon.