Tunay na ang Panginoon mo ay higit na maalam sa sinumang naliligaw palayo sa landas Niya. Siya ay higit na maalam sa mga napatnubayan. Al-An‘ām 6:117 ⧉
Tafsīr:
Tunay na ang Panginoon mo, O Sugo, ay higit na maalam sa sinumang naliligaw palayo sa landas Niya kabilang sa mga tao. Siya ay higit na maalam sa mga napatnubayan doon; walang nakakukubli sa Kanya na anuman mula roon.