Nalubos ang Salita ng Panginoon mo sa katapatan at katarungan. Walang tagapalit sa mga Salita Niya. Siya ay ang Madinigin, ang Maalam. Al-An‘ām 6:115 ⧉
Tafsīr:
Umabot ang Qur'ān sa rurok ng katapatan sa mga sinasabi at mga ulat; walang tagapagpaiba sa mga salita Niya. Siya ay ang Madinigin sa mga sinasabi ng mga lingkod Niya, ang Maalam sa mga ito kaya walang nakakukubli sa Kanya na anuman mula sa mga ito. Gaganti Siya sa sinumang nagsisikap para sa pagpapalit ng mga salita Niya.