Surah Al-An‘ām (Ang mga Alagang Hayop — الأنعام) (Talata 121)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




6 Al-An‘ām(الأنعام), Talata 121

وَلَا تَأْكُلُوا مِمَّا لَمْ يُذْكَرِ اسْمُ اللَّهِ عَلَيْهِ وَإِنَّهُ لَفِسْقٌ ۗ وَإِنَّ الشَّيَاطِينَ لَيُوحُونَ إِلَىٰ أَوْلِيَائِهِمْ لِيُجَادِلُوكُمْ ۖ وَإِنْ أَطَعْتُمُوهُمْ إِنَّكُمْ لَمُشْرِكُونَ 121 ١٢١

Huwag kayong kumain mula sa anumang hindi binanggit ang pangalan ni Allāh roon. Tunay na [pagkaing ito] ito ay talagang kasuwailan. Tunay na ang mga demonyo ay talagang nagkakasi sa mga katangkilik nila upang makipagtalo sila sa inyo. Kung tumalima kayo sa kanila, tunay na kayo ay talagang mga tagapagtambal. (121)

Tafsīr
Huwag kayong kumain, O mga Muslim, mula sa anumang hindi binanggit ang pangalan ni Allāh roon, binanggit man doon ang pangalan ng iba pa sa Kanya o hindi. Tunay na ang pagkain mula roon ay talagang paglabas sa pagtalima kay Allāh tungo sa pagsuway sa Kanya. Tunay na ang mga demonyo ay talagang nanunulsol sa mga katangkilik nila sa pamamagitan ng pagpupukol ng maling-akala upang makipagtalo sila sa inyo kaugnay sa pagkain ng maytah (hayop na namatay nang hindi nakatay ayon patakaran sa Islām). Kung tumalima kayo sa kanila, O mga Muslim, sa ipinupukol nila na maling-akala ng pagpapahintulot ng maytah, kayo at sila ay magiging magkatulad sa pagtatambal.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba