Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-An‘ām — Talata 121 (Tagalog) — Bidyo

Al-An‘ām • Talata 121 sa 165 • Tagalog


وَلَا تَأْكُلُوا مِمَّا لَمْ يُذْكَرِ اسْمُ اللَّهِ عَلَيْهِ وَإِنَّهُ لَفِسْقٌ ۗ وَإِنَّ الشَّيَاطِينَ لَيُوحُونَ إِلَىٰ أَوْلِيَائِهِمْ لِيُجَادِلُوكُمْ ۖ وَإِنْ أَطَعْتُمُوهُمْ إِنَّكُمْ لَمُشْرِكُونَ 121
Pagsasalin:
Huwag kayong kumain mula sa anumang hindi binanggit ang pangalan ni Allāh roon. Tunay na [pagkaing ito] ito ay talagang kasuwailan. Tunay na ang mga demonyo ay talagang nagkakasi sa mga katangkilik nila upang makipagtalo sila sa inyo. Kung tumalima kayo sa kanila, tunay na kayo ay talagang mga tagapagtambal. Al-An‘ām 6:121
Tafsīr:
Huwag kayong kumain, O mga Muslim, mula sa anumang hindi binanggit ang pangalan ni Allāh roon, binanggit man doon ang pangalan ng iba pa sa Kanya o hindi. Tunay na ang pagkain mula roon ay talagang paglabas sa pagtalima kay Allāh tungo sa pagsuway sa Kanya. Tunay na ang mga demonyo ay talagang nanunulsol sa mga katangkilik nila sa pamamagitan ng pagpupukol ng maling-akala upang makipagtalo sila sa inyo kaugnay sa pagkain ng maytah (hayop na namatay nang hindi nakatay ayon patakaran sa Islām). Kung tumalima kayo sa kanila, O mga Muslim, sa ipinupukol nila na maling-akala ng pagpapahintulot ng maytah, kayo at sila ay magiging magkatulad sa pagtatambal.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-An‘ām • Talata 120 Susunod Al-An‘ām • Talata 122