Iwan ninyo ang nakalantad sa kasalanan at ang nakakubli rito. Tunay na ang mga nagkakamit ng kasalanan ay gagantihan sa dati nilang nagagawa. Al-An‘ām 6:120 ⧉
Tafsīr:
Iwanan ninyo, O mga tao, ang paggawa ng mga pagsuway nang hayagan at palihim. Tunay na ang mga gumagawa ng mga pagsuway nang palihim at hayagan ay gagantihan ni Allāh sa nakamit nila mula sa mga ito.