Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-An‘ām — Talata 119 (Tagalog) — Bidyo

Al-An‘ām • Talata 119 sa 165 • Tagalog


وَمَا لَكُمْ أَلَّا تَأْكُلُوا مِمَّا ذُكِرَ اسْمُ اللَّهِ عَلَيْهِ وَقَدْ فَصَّلَ لَكُمْ مَا حَرَّمَ عَلَيْكُمْ إِلَّا مَا اضْطُرِرْتُمْ إِلَيْهِ ۗ وَإِنَّ كَثِيرًا لَيُضِلُّونَ بِأَهْوَائِهِمْ بِغَيْرِ عِلْمٍ ۗ إِنَّ رَبَّكَ هُوَ أَعْلَمُ بِالْمُعْتَدِينَ 119
Pagsasalin:
Ano ang mayroon sa inyo na hindi kayo kumakain mula sa anumang binanggit ang pangalan ni Allāh rito samantalang nagdetalye nga Siya sa inyo ng ipinagbawal Niya sa inyo, maliban sa anumang napilitan kayo roon? Tunay na may marami na talagang nagliligaw sa pamamagitan ng mga pithaya nila nang walang kaalaman. Tunay na ang Panginoon mo ay higit na nakaaalam sa mga tagalabag. Al-An‘ām 6:119
Tafsīr:
Ano ang pumipigil sa inyo, O mga mananampalataya, na kumakain kayo mula sa anumang binanggit ang pangalan ni Allāh rito samantalang nilinaw nga Niya sa inyo ang ipinagbawal Niya sa inyo, kaya kinakailangan sa inyo ang pag-iwan dito, maliban kapag pinilit kayo roon ng kagipitan sapagkat ang kagipitan ay nagpapahintulot sa ipinagbabawal? Tunay na marami sa mga tagapagtambal ay talagang nagpapalayo ng mga tagasunod nila sa katotohanan dahil sa mga tiwaling opinyon nila dala ng kamangmangan mula sa kanila, yayamang nagpapahintulot sila ng ipinagbawal ni Allāh sa kanila gaya ng maytah (hayop na namatay nang hindi nakatay ayon patakaran sa Islām) at iba pa rito at nagbabawal sila ng ipinahintulot Niya sa kanila gaya ng baḥīrah, waṣīlah, ḥāmī, at iba pa sa mga ito. Tunay na ang Panginoon mo, O Sugo, ay higit na maalam sa mga lumalampas sa mga hangganan Niya. Gaganti Siya sa kanila sa paglampas nila sa mga hangganan Niya.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-An‘ām • Talata 118 Susunod Al-An‘ām • Talata 120