Surah Al-An‘ām (Ang mga Alagang Hayop — الأنعام) (Talata 125)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Kaya sa sinumang ninanais ni Allāh na patnubayan ay magpapaluwag Siya ng dibdib nito para sa Islām. Sa sinumang magnanais Siya na magligaw ay gagawa Siya sa dibdib nito na [maging] isang masikip na pagkaasiwa na para bang umaakyat siya sa kalangitan. Gayon naglalagay si Allāh ng kasalaulaan sa mga hindi sumasampalataya [sa Kanya]. (125)
Tafsīr
Kaya sa sinumang magnanais si Allāh na magtuon tungo sa daan ng kapatnubayan ay magpapaluwag Siya ng dibdib nito at maghahanda Siya rito sa pagtanggap sa Islām. Sa sinumang magnanais Siya na magtatwa at hindi magtuon sa kapatnubayan ay gagawin Niya ang dibdib nito na matindi ang kasikipan sa pagtanggap sa katotohanan sa paraang nagiging imposible ang pagpasok ng katotohanan sa puso nito gaya ng pagkaimposible ng pag-akyat nito sa langit at kawalang-kakayahan nito roon sa sarili nito. Kung paanong naglagay si Allāh sa kalagayan ng naliligaw sa kalagayang ito na matinding paninikip, maglalagay Siya ng pagdurusa sa mga hindi sumasampalataya.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: