Surah Al-An‘ām (Ang mga Alagang Hayop — الأنعام) (Talata 12)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




6 Al-An‘ām(الأنعام), Talata 12

قُلْ لِمَنْ مَا فِي السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ ۖ قُلْ لِلَّهِ ۚ كَتَبَ عَلَىٰ نَفْسِهِ الرَّحْمَةَ ۚ لَيَجْمَعَنَّكُمْ إِلَىٰ يَوْمِ الْقِيَامَةِ لَا رَيْبَ فِيهِ ۚ الَّذِينَ خَسِرُوا أَنْفُسَهُمْ فَهُمْ لَا يُؤْمِنُونَ 12 ١٢

Sabihin mo: “Kanino ang anumang nasa mga langit at mga lupa?” Sabihin mo: “Sa kay Allāh.” Itinakda Niya sa sarili Niya ang awa. Talagang magtitipon nga Siya sa inyo sa Araw ng Pagbangon, walang pag-aalinlangan dito. Ang mga nagpalugi sa mga sarili nila, sila ay hindi sumasampalataya. (12)

Tafsīr
Sabihin mo sa kanila, O Sugo: "Kanino ang paghahari sa mga langit, ang paghahari sa mga lupa, at ang paghahari sa anumang nasa pagitan ng mga ito?" Sabihin mo: "Ang paghahari sa mga ito sa kabuuan ng mga ito ay sa kay Allāh." Itinakda Niya sa sarili Niya ang awa bilang pagmamabuting-loob mula sa Kanya sa mga lingkod Niya kaya naman hindi Siya nagmamadali sa kanila ng kaparusahan, hanggang sa kapag hindi sila nagbalik-loob ay magtitipon siya sa kanila sa kalahatan sa Araw ng Pagbangon, ang Araw na ito na walang duda hinggil dito. Ang mga nagpalugi sa mga sarili nila sa pamamagitan ng kawalang-pananampalataya kay Allāh ay hindi sumasampalataya para sumagip sila sa mga sarili nila sa kalugihan.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba