Surah Al-An‘ām (Ang mga Alagang Hayop — الأنعام) (Talata 130)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
O umpukan ng jinn at tao, wala bang pumunta sa inyo na mga sugo kabilang sa inyo, na sumasaysay sa inyo ng mga tanda Ko at nagbababala sa inyo ng pakikipagkita sa Araw ninyong ito? Magsasabi sila: “Sumaksi kami laban sa mga sarili namin.” Luminlang sa kanila ang buhay na pangmundo, at sumaksi sila laban sa mga sarili nila na sila ay noon mga tagatangging sumampalataya. (130)
Tafsīr
Magsasabi si Allāh sa kanila sa Araw ng Pagbangon: "O umpukan ng jinn at tao, wala bang pumunta sa inyo na mga sugo kabilang sa kauri ninyo sapagkat sila ay kabilang sa tao, na bumibigkas sa inyo ng pinababa ni Allāh sa kanila at nagpapangamba sa inyo sa pakikipagkita sa Araw ninyong ito na siyang Araw ng Pagbangon?" Magsasabi sila: "Opo; kumilala kami ngayong Araw laban sa mga sarili namin na ang mga sugo Mo ay nagpaabot nga sa amin. Kumilala kami sa pakikipagkita sa Araw na ito subalit nagpasinungaling Kami sa mga sugo Mo at nagpasinungaling Kami sa pakikipagkita sa Araw na ito." Luminlang sa kanila ang buhay na pangmundo dahil sa taglay nitong gayak, palamuti, at lugod na lumilipas. Kumilala sila laban sa sarili nila na sila noon sa Mundo ay mga tagatangging sumampalataya kay Allāh at sa mga sugo Niya. Hindi magpapakinabang sa kanila ang pagkilalang ito ni ang pananampalataya dahil sa pagkaalpas ng oras nito.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: