Surah Al-An‘ām (Ang mga Alagang Hayop — الأنعام) (Talata 137)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




6 Al-An‘ām(الأنعام), Talata 137

وَكَذَٰلِكَ زَيَّنَ لِكَثِيرٍ مِنَ الْمُشْرِكِينَ قَتْلَ أَوْلَادِهِمْ شُرَكَاؤُهُمْ لِيُرْدُوهُمْ وَلِيَلْبِسُوا عَلَيْهِمْ دِينَهُمْ ۖ وَلَوْ شَاءَ اللَّهُ مَا فَعَلُوهُ ۖ فَذَرْهُمْ وَمَا يَفْتَرُونَ 137 ١٣٧

Gayon ipinang-akit sa marami sa mga tagapagtambal ng mga pantambal nila [kay Allāh] ang pagpatay sa mga anak nila upang magpahamak ang mga ito sa kanila at upang manlito ang mga ito sa kanila sa relihiyon nila. Kung sakaling niloob ni Allāh ay hindi sana sila gumawa niyon. Kaya hayaan mo sila at ang ginagawa-gawa nila. (137)

Tafsīr
Kung paanong pinaganda ng demonyo para sa mga tagapagtambal ang pasyang mapang-aping ito, pinaganda rin sa marami sa mga tagapagtambal ng mga pantambal nila kabilang sa mga demonyo ang pagpatay nila sa mga anak nila dala ng takot sa karalitaan upang magpahamak ang mga ito sa kanila sa pamamagitan ng pagkakasadlak sa pagpatay ng buhay na ipinagbawal ni Allāh ang pagpatay nito malibang ayon sa katwiran, at upang manlito ang mga ito sa kanila sa relihiyon nila kaya hindi nila nakikilala kung ano ang isinabatas at kung ano ang hindi isinabatas. Kung sakaling niloob ni Allāh na hindi sila gumawa niyon ay hindi sana sila gumawa niyon, subalit Siya ay lumuob niyon dahil sa isang kasanhiang malalim. Kaya iwanan mo, O Sugo, ang mga tagapagtambal na ito at ang paggawa-gawa nila ng kasinungalingan laban kay Allāh sapagkat tunay na iyon ay hindi nakapipinsala sa iyo at isuko mo kay Allāh ang nauukol sa kanila.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba