Surah Al-An‘ām (Ang mga Alagang Hayop — الأنعام) (Talata 138)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




6 Al-An‘ām(الأنعام), Talata 138

وَقَالُوا هَٰذِهِ أَنْعَامٌ وَحَرْثٌ حِجْرٌ لَا يَطْعَمُهَا إِلَّا مَنْ نَشَاءُ بِزَعْمِهِمْ وَأَنْعَامٌ حُرِّمَتْ ظُهُورُهَا وَأَنْعَامٌ لَا يَذْكُرُونَ اسْمَ اللَّهِ عَلَيْهَا افْتِرَاءً عَلَيْهِ ۚ سَيَجْزِيهِمْ بِمَا كَانُوا يَفْتَرُونَ 138 ١٣٨

Nagsabi sila: “Ang mga ito ay mga hayupan at mga pananim na bawal, na walang kakain sa mga ito kundi ang sinumang niloloob natin,” ayon sa pag-aangkin nila. May mga hayupang ipinagbawal ang mga likod ng mga ito at may mga hayupang hindi sila bumabanggit ng pangalan ni Allāh sa [pagkakatay sa] mga ito, dala ng isang paggawa-gawa [ng kasinungalingan] sa Kanya. Gaganti Siya sa kanila sa anumang dati nilang ginagawa-gawa. (138)

Tafsīr
Nagsabi ang mga tagapagtambal: "Ang mga ito ay mga hayupan at mga tanim na ipinagbabawal." Walang kakain mula sa mga ito kundi ang sinumang niloloob nila ayon sa pag-aangkin nila at paggawa-gawa nila, kabilang sa mga tagapaglingkod ng mga diyus-diyosan at iba pa sa kanila. Ang mga ito ay mga hayupang ipinagbawal ang mga likod, kaya hindi sinasakyan at hindi kinakargahan. Ang mga ito ay ang baḥīrah, ang sā'ibah, at ang ḥāmī. Ang mga ito ay mga hayupan na hindi sila bumabanggit ng pangalan ni Allāh sa mga ito sa sandali ng pagkakatay. Kumakatay lamang sila ng mga ito sa ngalan ng mga anito nila. Gumawa sila niyon sa kalahatan niyon dala ng pagsisinungaling laban kay Allāh, na iyon daw ay mula sa ganang Kanya. Gaganti sa kanila si Allāh sa pamamagitan ng parusa Niya dahilan sa sila noon ay gumawa-gawa laban sa Kanya.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba