Surah Al-An‘ām (Ang mga Alagang Hayop — الأنعام) (Talata 141)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Siya ay ang nagpalabas ng mga hardin na mga binalagan at hindi mga binalagan, ng mga datiles at mga pananim na nagkakaiba-iba ang lasa ng mga ito, at ng mga oliba at mga granada na nagkakahawigan at hindi nagkakahawigan. Kumain kayo mula sa bunga ng mga ito kapag namunga ang mga ito at magbigay kayo ng tungkulin ng mga ito sa araw ng pag-aani ng mga ito. Huwag kayong magpakalabis; tunay na Siya ay hindi umiibig sa mga nagpapakalabis. (141)
Tafsīr
Si Allāh – kaluwalhatian sa Kanya – ay ang lumikha ng mga patanimang nakalatag sa balat ng lupa para sa [halamang] walang katawan at para sa nakaangat sa ibabaw ng mga ito na may katawan. Siya ang lumikha ng mga datiles at lumikha ng mga pananim na nagkakaiba-iba ang mga bunga sa anyo at lasa. Siya ang lumikha ng mga oliba at mga granada, na ang mga dahon ng mga ito ay nagkakahawigan at ang mga lasa ng mga ito ay hindi nagkakahawigan. Kumain kayo, O mga tao, mula sa bunga ng mga ito kapag namunga ang mga ito at magbigay kayo ng zakāh ng mga ito sa araw ng pag-aani ng mga ito. Huwag kayong lumampas sa mga hangganang legal sa Islām sa pagkain at paggugol sapagkat si Allāh ay hindi umiibig sa mga lumalampas sa mga hangganan Niya kaugnay sa mga ito ni sa iba pa sa mga ito, bagkus kinasusuklaman Niya. Tunay na ang lumikha niyon sa kabuuan niyon ay ang pumayag nito sa mga lingkod Niya kaya hindi ukol sa mga tagapagtambal ang pagbabawal niyon.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: