Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-An‘ām — Talata 141 (Tagalog) — Bidyo

Al-An‘ām • Talata 141 sa 165 • Tagalog


وَهُوَ الَّذِي أَنْشَأَ جَنَّاتٍ مَعْرُوشَاتٍ وَغَيْرَ مَعْرُوشَاتٍ وَالنَّخْلَ وَالزَّرْعَ مُخْتَلِفًا أُكُلُهُ وَالزَّيْتُونَ وَالرُّمَّانَ مُتَشَابِهًا وَغَيْرَ مُتَشَابِهٍ ۚ كُلُوا مِنْ ثَمَرِهِ إِذَا أَثْمَرَ وَآتُوا حَقَّهُ يَوْمَ حَصَادِهِ ۖ وَلَا تُسْرِفُوا ۚ إِنَّهُ لَا يُحِبُّ الْمُسْرِفِينَ 141
Pagsasalin:
Siya ay ang nagpalabas ng mga hardin na mga binalagan at hindi mga binalagan, ng mga datiles at mga pananim na nagkakaiba-iba ang lasa ng mga ito, at ng mga oliba at mga granada na nagkakahawigan at hindi nagkakahawigan. Kumain kayo mula sa bunga ng mga ito kapag namunga ang mga ito at magbigay kayo ng tungkulin ng mga ito sa araw ng pag-aani ng mga ito. Huwag kayong magpakalabis; tunay na Siya ay hindi umiibig sa mga nagpapakalabis. Al-An‘ām 6:141
Tafsīr:
Si Allāh – kaluwalhatian sa Kanya – ay ang lumikha ng mga patanimang nakalatag sa balat ng lupa para sa [halamang] walang katawan at para sa nakaangat sa ibabaw ng mga ito na may katawan. Siya ang lumikha ng mga datiles at lumikha ng mga pananim na nagkakaiba-iba ang mga bunga sa anyo at lasa. Siya ang lumikha ng mga oliba at mga granada, na ang mga dahon ng mga ito ay nagkakahawigan at ang mga lasa ng mga ito ay hindi nagkakahawigan. Kumain kayo, O mga tao, mula sa bunga ng mga ito kapag namunga ang mga ito at magbigay kayo ng zakāh ng mga ito sa araw ng pag-aani ng mga ito. Huwag kayong lumampas sa mga hangganang legal sa Islām sa pagkain at paggugol sapagkat si Allāh ay hindi umiibig sa mga lumalampas sa mga hangganan Niya kaugnay sa mga ito ni sa iba pa sa mga ito, bagkus kinasusuklaman Niya. Tunay na ang lumikha niyon sa kabuuan niyon ay ang pumayag nito sa mga lingkod Niya kaya hindi ukol sa mga tagapagtambal ang pagbabawal niyon.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-An‘ām • Talata 140 Susunod Al-An‘ām • Talata 142