Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-An‘ām — Talata 142 (Tagalog) — Bidyo

Al-An‘ām • Talata 142 sa 165 • Tagalog


وَمِنَ الْأَنْعَامِ حَمُولَةً وَفَرْشًا ۚ كُلُوا مِمَّا رَزَقَكُمُ اللَّهُ وَلَا تَتَّبِعُوا خُطُوَاتِ الشَّيْطَانِ ۚ إِنَّهُ لَكُمْ عَدُوٌّ مُبِينٌ 142
Pagsasalin:
May mga hayupang [nilikhang] bilang tagapasan at bilang munti. Kumain kayo mula sa itinustos sa inyo ni Allāh at huwag kayong sumunod sa mga hakbang ng demonyo. Tunay na siya para sa inyo ay isang kaaway na malinaw. Al-An‘ām 6:142
Tafsīr:
Siya ay ang nagpaluwal para sa inyo ng mga hayupan na naaangkop na pagpasanin gaya ng mga malaki sa mga kamelyo at hindi naaangkop para roon gaya ng mga maliit sa mga ito at gaya ng mga tupa. Kumain kayo, O mga tao, mula sa itinustos sa inyo ni Allāh kabilang sa mga bagay na pinayagan Niya sa inyo. Huwag kayong sumunod sa mga bakas ng demonyo sa pagpapahintulot ng ipinagbawal ni Allāh at pagbabawal ng ipinahintulot Niya gaya ng ginagawa ng mga tagapagtambal. Tunay na ang demonyo para sa inyo, O mga tao, ay isang kaaway na maliwanag ang pangangaway yayamang nagnanais ito sa inyo na sumuway kayo kay Allāh sa pamamagitan niyon.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-An‘ām • Talata 141 Susunod Al-An‘ām • Talata 143