[Lumikha ng] walong pares. Mula sa mga tupa ay may dalawa at mula sa mga kambing ay may dalawa. Sabihin mo: “Ang dalawang lalaki ba ay ipinagbawal Niya o ang dalawang babae o ang nilaman ng mga sinapupunan ng dalawang babae? Magbalita kayo sa akin ng isang kaalaman kung kayo ay mga tapat.” Al-An‘ām 6:143 ⧉
Tafsīr:
Lumikha Siya para sa inyo ng walong kategorya. Mula sa mga tupa ay magkapares: isang lalaki at isang babae; at mula sa mga kambing ay dalawa. Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagtambal: "Nagbawal ba si Allāh – pagkataas-taas Siya – sa dalawang lalaki mula sa dalawang pares dahil sa kadahilanan ng pagkalalaki? Kung nagsabi sila ng oo ay sabihin mo sa kanila: 'Bakit kayo nagbabawal sa mga babae?' O na Siya ba ay nagbawal sa dalawang babae dahil sa kadahilanan ng pagkababae? Kung nagsabi sila ng oo ay sabihin mo sa kanila: 'Bakit kayo nagbabawal sa dalawang lalaki?' O na Siya ba ay nagbawal sa nilaman ng mga sinapupunan ng dalawang babae dahil sa kadahilanan ng pagkakalaman dito ng sinapupunan? Kung nagsabi sila ng oo ay sabihin mo sa kanila: 'Bakit kayo nag-iiba-iba sa nilaman ng mga sinapupunan sa pamamagitan ng pagbabawal sa mga lalaki nito minsan at ng pagbabawal sa mga babae nito minsan? Magpabatid kayo sa akin, O mga tagapagtambal, ng pinagbabatayan ninyo ng kaalamang tumpak kung kayo ay mga tapat sa pahayag ninyo na ang pagbabawal niyon ay mula kay Allāh.'"