Surah Al-An‘ām (Ang mga Alagang Hayop — الأنعام) (Talata 142)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
May mga hayupang [nilikhang] bilang tagapasan at bilang munti. Kumain kayo mula sa itinustos sa inyo ni Allāh at huwag kayong sumunod sa mga hakbang ng demonyo. Tunay na siya para sa inyo ay isang kaaway na malinaw. (142)
Tafsīr
Siya ay ang nagpaluwal para sa inyo ng mga hayupan na naaangkop na pagpasanin gaya ng mga malaki sa mga kamelyo at hindi naaangkop para roon gaya ng mga maliit sa mga ito at gaya ng mga tupa. Kumain kayo, O mga tao, mula sa itinustos sa inyo ni Allāh kabilang sa mga bagay na pinayagan Niya sa inyo. Huwag kayong sumunod sa mga bakas ng demonyo sa pagpapahintulot ng ipinagbawal ni Allāh at pagbabawal ng ipinahintulot Niya gaya ng ginagawa ng mga tagapagtambal. Tunay na ang demonyo para sa inyo, O mga tao, ay isang kaaway na maliwanag ang pangangaway yayamang nagnanais ito sa inyo na sumuway kayo kay Allāh sa pamamagitan niyon.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: