Surah Al-An‘ām (Ang mga Alagang Hayop — الأنعام) (Talata 143)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




6 Al-An‘ām(الأنعام), Talata 143

ثَمَانِيَةَ أَزْوَاجٍ ۖ مِنَ الضَّأْنِ اثْنَيْنِ وَمِنَ الْمَعْزِ اثْنَيْنِ ۗ قُلْ آلذَّكَرَيْنِ حَرَّمَ أَمِ الْأُنْثَيَيْنِ أَمَّا اشْتَمَلَتْ عَلَيْهِ أَرْحَامُ الْأُنْثَيَيْنِ ۖ نَبِّئُونِي بِعِلْمٍ إِنْ كُنْتُمْ صَادِقِينَ 143 ١٤٣

[Lumikha ng] walong pares. Mula sa mga tupa ay may dalawa at mula sa mga kambing ay may dalawa. Sabihin mo: “Ang dalawang lalaki ba ay ipinagbawal Niya o ang dalawang babae o ang nilaman ng mga sinapupunan ng dalawang babae? Magbalita kayo sa akin ng isang kaalaman kung kayo ay mga tapat.” (143)

Tafsīr
Lumikha Siya para sa inyo ng walong kategorya. Mula sa mga tupa ay magkapares: isang lalaki at isang babae; at mula sa mga kambing ay dalawa. Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagtambal: "Nagbawal ba si Allāh – pagkataas-taas Siya – sa dalawang lalaki mula sa dalawang pares dahil sa kadahilanan ng pagkalalaki? Kung nagsabi sila ng oo ay sabihin mo sa kanila: 'Bakit kayo nagbabawal sa mga babae?' O na Siya ba ay nagbawal sa dalawang babae dahil sa kadahilanan ng pagkababae? Kung nagsabi sila ng oo ay sabihin mo sa kanila: 'Bakit kayo nagbabawal sa dalawang lalaki?' O na Siya ba ay nagbawal sa nilaman ng mga sinapupunan ng dalawang babae dahil sa kadahilanan ng pagkakalaman dito ng sinapupunan? Kung nagsabi sila ng oo ay sabihin mo sa kanila: 'Bakit kayo nag-iiba-iba sa nilaman ng mga sinapupunan sa pamamagitan ng pagbabawal sa mga lalaki nito minsan at ng pagbabawal sa mga babae nito minsan? Magpabatid kayo sa akin, O mga tagapagtambal, ng pinagbabatayan ninyo ng kaalamang tumpak kung kayo ay mga tapat sa pahayag ninyo na ang pagbabawal niyon ay mula kay Allāh.'"

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba