Surah Al-An‘ām (Ang mga Alagang Hayop — الأنعام) (Talata 145)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Sabihin mo: “Hindi ako nakatatagpo sa anumang ikinasi sa akin ng isang ipinagbabawal sa isang tagakain na kakain niyon maliban na ito ay maging isang namatay, o dugong ibinubo, o laman ng baboy sapagkat tunay na ito ay isang kasalaulaan o isang kasuwailang inaalay sa iba pa kay Allāh; ngunit ang sinumang napilitan nang hindi lumalabag ni lumalampas, tunay na ang Panginoon mo ay Mapagpatawad, Maawain.” (145)
Tafsīr
Sabihin mo, O Sugo: "Hindi ako nakatatagpo sa anumang ikinasi ni Allāh sa akin ng isang bagay na ipinagbabawal maliban sa namatay nang walang pagkakatay o dugong dumadaloy o laman ng baboy sapagkat tunay na ito ay isang kasalaulaang ipinagbabawal o ito ay kabilang sa kinatay sa hindi pangalan ni Allāh gaya ng kinatay para sa mga anito nila. Ngunit ang sinumang napilit ng pangangailangan sa pagkain ng mga ipinagbabawal na ito dahil sa tindi ng gutom nang hindi naghahangad ng pagpapasarap sa pagkain nito, hindi lumalampas sa hangganan ng pangangailangan, ay walang kasalanan sa kanya roon. Tunay na ang Panginoon mo, O Sugo, ay Mapagpatawad sa napipilitan kahit nakakain mula sa mga ito, Maawain sa kanya."
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: