Sabihin mo: “Hindi ako nakatatagpo sa anumang ikinasi sa akin ng isang ipinagbabawal sa isang tagakain na kakain niyon maliban na ito ay maging isang namatay, o dugong ibinubo, o laman ng baboy sapagkat tunay na ito ay isang kasalaulaan o isang kasuwailang inaalay sa iba pa kay Allāh; ngunit ang sinumang napilitan nang hindi lumalabag ni lumalampas, tunay na ang Panginoon mo ay Mapagpatawad, Maawain.”
Al-An‘ām 6:145 ⧉