Sa mga nagpakahudyo ay nagbawal Kami ng bawat may mga buong kuko. Mula sa mga baka at mga tupa ay nagbawal Kami sa kanila ng mga taba ng dalawang [uring] ito maliban sa anumang kinapitan ng mga likod ng dalawang [uring] ito o ng mga bituka nito o anumang nahalo sa buto. Iyon ay iginanti Namin sa kanila dahil sa paglabag nila. Tunay na Kami ay talagang Tapat. Al-An‘ām 6:146 ⧉
Tafsīr:
Nagbawal Kami sa mga hudyo ng anumang hindi nagkakahiwa-hiwalay ang mga daliri gaya ng mga kamelyo at mga ostrits. Nagbawal Kami sa kanila ng mga taba ng mga baka at mga tupa maliban sa kumapit sa mga likod ng dalawang uring ito o nadala ng mga bituka o nahalo sa buto gaya ng pigi at tagiliran. Gumanti nga Kami sa kanila dahil sa kawalang-katarungan nila sa pagbabawal niyon sa kanilang sarili. Tunay na Kami ay talagang Tapat sa bawat ipinababatid Namin.