Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-An‘ām — Talata 147 (Tagalog) — Bidyo

Al-An‘ām • Talata 147 sa 165 • Tagalog


فَإِنْ كَذَّبُوكَ فَقُلْ رَبُّكُمْ ذُو رَحْمَةٍ وَاسِعَةٍ وَلَا يُرَدُّ بَأْسُهُ عَنِ الْقَوْمِ الْمُجْرِمِينَ 147
Pagsasalin:
Kaya kung nagpasinungaling sila sa iyo ay sabihin mo: “Ang Panginoon ninyo ay may awang malawak ngunit hindi naitutulak ang parusa Niya palayo sa mga taong salarin.” Al-An‘ām 6:147
Tafsīr:
Kaya kung nagpasinungaling sila sa iyo, O Sugo, at hindi nagpatotoo sa inihatid mo mula sa Panginoon mo ay sabihin mo bilang pag-uudyok sa kanila: "Ang Panginoon ninyo ay may awang malawak. Bahagi ng awa Niya sa inyo ay ang pagpapalugit Niya sa inyo at ang hindi pagmamadali Niya sa inyo sa pagdurusa." Sabihin mo pa sa kanila bilang pagbabala sa kanila: "Tunay na ang parusa Niya ay hindi nabawi buhat sa mga taong gumagawa ng mga pagsuway at mga kasalanan."
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-An‘ām • Talata 146 Susunod Al-An‘ām • Talata 148