Surah Al-An‘ām (Ang mga Alagang Hayop — الأنعام) (Talata 148)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




6 Al-An‘ām(الأنعام), Talata 148

سَيَقُولُ الَّذِينَ أَشْرَكُوا لَوْ شَاءَ اللَّهُ مَا أَشْرَكْنَا وَلَا آبَاؤُنَا وَلَا حَرَّمْنَا مِنْ شَيْءٍ ۚ كَذَٰلِكَ كَذَّبَ الَّذِينَ مِنْ قَبْلِهِمْ حَتَّىٰ ذَاقُوا بَأْسَنَا ۗ قُلْ هَلْ عِنْدَكُمْ مِنْ عِلْمٍ فَتُخْرِجُوهُ لَنَا ۖ إِنْ تَتَّبِعُونَ إِلَّا الظَّنَّ وَإِنْ أَنْتُمْ إِلَّا تَخْرُصُونَ 148 ١٤٨

Magsasabi ang mga nagtambal: “Kung sakaling niloob ni Allāh ay hindi sana kami nagtambal ni ang mga ninuno namin at hindi sana kami nagbawal ng anuman.” Gayon nagpasinungaling ang mga bago pa nila hanggang sa lumasap sila ng parusa Namin. Sabihin mo: “Mayroon kaya sa ganang inyo na anumang kaalaman para magpalabas kayo niyon sa Amin? Sumusunod kayo sa pagpapalagay lamang. Walang iba kayo kundi nagsasapantaha.” (148)

Tafsīr
Magsasabi ang mga tagapagtambal habang mga nangangatwiran ng kalooban ni Allāh at pagtatakda Niya sa katumpakan ng pagtatambal nila kay Allāh: "Kung sakaling niloob ni Allāh na hindi kami magtambal mismo ni ang mga magulang namin ay talaga sanang hindi kami nagtambal sa Kanya. Kung sakaling niloob ni Allāh na hindi kami magbawal ng ipinagbawal namin sa mga sarili namin ay talaga sanang hindi kami nagbawal niyon." Sa pamamagitan ng tulad ng katwiran nilang napabubulaanan, nagpasinungaling ang mga nauna pa sa kanila sa mga sugo ng mga iyon, na mga nagsasabi: "Kung sakaling niloob ni Allāh na hindi kami magpasinungaling sa kanila ay talaga sanang hindi kami nagpasinungaling sa kanila." Nagpatuloy sila sa pagpapasinungaling na ito hanggang sa lumasap sila ng parusa Namin na pinababa Namin sa kanila. Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagtambal na ito: "Mayroon kaya sa ganang inyo na isang patunay na nagpapatunay na si Allāh ay nalugod sa inyo na magtambal kayo sa Kanya at na magpahintulot kayo ng ipinagbawal Niya at magbawal kayo ng ipinahintulot Niya? Ang payak na pagkaganap niyon mula sa inyo ay hindi isang patunay sa pagkalugod Niya sa inyo. Tunay na kayo ay walang sinusunod kaugnay roon kundi ang palagay. Tunay na ang palagay ay hindi naipapalit sa katotohanan sa anuman. Kayo ay walang [ginagawa] malibang nagpapasinungaling."

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba