Surah Al-An‘ām (Ang mga Alagang Hayop — الأنعام) (Talata 153)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Na [ang Islām na] ito ay ang landasin Ko, tuwid, kaya sumunod kayo rito. Huwag kayong sumunod sa mga [ibang] landas para magpahiwa-hiwalay ang mga ito sa inyo palayo sa landas Niya. Iyon ay itinagubilin Niya sa inyo, nang sa gayon kayo ay mangingilag magkasala. (153)
Tafsīr
Nagbawal Siya sa inyo na sumunod kayo sa mga landas ng pagkaligaw at mga daan nito, bagkus kinakailangan sa inyo ang pagsunod sa daang tuwid ni Allāh na walang kabaluktutan doon. Ang mga daan ng pagkaligaw ay nagpapahantong sa inyo sa pagkakahati-hati at pagkakalayo sa daan ng katotohanan. Ang pagsunod na iyon sa daang tuwid ni Allāh ay ang itinagubilin Niya sa inyo, sa pag-asang mangilag kayong magkasala sa Kanya sa pamamagitan ng pagsunod sa ipinag-utos Niya at pag-iwas sa sinaway Niya.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: