Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-An‘ām — Talata 153 (Tagalog) — Bidyo

Al-An‘ām • Talata 153 sa 165 • Tagalog


وَأَنَّ هَٰذَا صِرَاطِي مُسْتَقِيمًا فَاتَّبِعُوهُ ۖ وَلَا تَتَّبِعُوا السُّبُلَ فَتَفَرَّقَ بِكُمْ عَنْ سَبِيلِهِ ۚ ذَٰلِكُمْ وَصَّاكُمْ بِهِ لَعَلَّكُمْ تَتَّقُونَ 153
Pagsasalin:
Na [ang Islām na] ito ay ang landasin Ko, tuwid, kaya sumunod kayo rito. Huwag kayong sumunod sa mga [ibang] landas para magpahiwa-hiwalay ang mga ito sa inyo palayo sa landas Niya. Iyon ay itinagubilin Niya sa inyo, nang sa gayon kayo ay mangingilag magkasala. Al-An‘ām 6:153
Tafsīr:
Nagbawal Siya sa inyo na sumunod kayo sa mga landas ng pagkaligaw at mga daan nito, bagkus kinakailangan sa inyo ang pagsunod sa daang tuwid ni Allāh na walang kabaluktutan doon. Ang mga daan ng pagkaligaw ay nagpapahantong sa inyo sa pagkakahati-hati at pagkakalayo sa daan ng katotohanan. Ang pagsunod na iyon sa daang tuwid ni Allāh ay ang itinagubilin Niya sa inyo, sa pag-asang mangilag kayong magkasala sa Kanya sa pamamagitan ng pagsunod sa ipinag-utos Niya at pag-iwas sa sinaway Niya.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-An‘ām • Talata 152 Susunod Al-An‘ām • Talata 154