Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-An‘ām — Talata 154 (Tagalog) — Bidyo

Al-An‘ām • Talata 154 sa 165 • Tagalog


ثُمَّ آتَيْنَا مُوسَى الْكِتَابَ تَمَامًا عَلَى الَّذِي أَحْسَنَ وَتَفْصِيلًا لِكُلِّ شَيْءٍ وَهُدًى وَرَحْمَةً لَعَلَّهُمْ بِلِقَاءِ رَبِّهِمْ يُؤْمِنُونَ 154
Pagsasalin:
Karagdagan, nagbigay Kami kay Moises ng kasulatan bilang paglulubos [ng biyaya] para sa gumawa ng maganda, bilang pagdedetalye para sa bawat bagay, bilang patnubay, at bilang awa, nang sa gayon sila, sa pakikipagkita sa Panginoon nila, ay sasampalataya. Al-An‘ām 6:154
Tafsīr:
Karagdagan, matapos ng pagpapabatid sa nabanggit, nagpapabatid Kami na Kami ay nagbigay kay Moises ng Torah bilang pagbubuo sa biyaya, bilang ganti sa paggawa niya ng maganda sa gawain, bilang paglilinaw para sa bawat bagay na kakailanganin niya sa relihiyon, bilang katunayan sa katotohanan, at bilang awa, sa pag-asang sumampalataya sila sa pakikipagkita sa Panginoon nila sa Araw ng Pagbangon para maghanda sila para sa Kanya ng gawang maayos.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-An‘ām • Talata 153 Susunod Al-An‘ām • Talata 155