Surah Al-An‘ām (Ang mga Alagang Hayop — الأنعام) (Talata 154)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Karagdagan, nagbigay Kami kay Moises ng kasulatan bilang paglulubos [ng biyaya] para sa gumawa ng maganda, bilang pagdedetalye para sa bawat bagay, bilang patnubay, at bilang awa, nang sa gayon sila, sa pakikipagkita sa Panginoon nila, ay sasampalataya. (154)
Tafsīr
Karagdagan, matapos ng pagpapabatid sa nabanggit, nagpapabatid Kami na Kami ay nagbigay kay Moises ng Torah bilang pagbubuo sa biyaya, bilang ganti sa paggawa niya ng maganda sa gawain, bilang paglilinaw para sa bawat bagay na kakailanganin niya sa relihiyon, bilang katunayan sa katotohanan, at bilang awa, sa pag-asang sumampalataya sila sa pakikipagkita sa Panginoon nila sa Araw ng Pagbangon para maghanda sila para sa Kanya ng gawang maayos.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: