Surah Al-An‘ām (Ang mga Alagang Hayop — الأنعام) (Talata 157)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
o [dahil baka] magsabi kayo: “Kung sakaling kami ay pinababaan ng kasulatan, talaga sanang kami ay naging higit na napatnubayan kaysa sa kanila [na binabaan ng kasulatan],” sapagkat may dumating nga sa inyo na isang malinaw na patunay mula sa Panginoon ninyo, isang patnubay, at isang awa. Kaya sino pa ang higit na tagalabag sa katarungan kaysa sa sinumang nagpasinungaling sa mga tanda ni Allāh at lumihis palayo sa mga ito? Gaganti Kami sa mga lumilihis palayo sa mga tanda Namin ng kasagwaan ng pagdurusa dahil sila noon ay lumilihis. (157)
Tafsīr
Upang hindi kayo magsabi: "Kung sakaling nagbaba si Allāh sa amin ng isang kasulatan gaya ng pinababa Niya sa mga Hudyo at mga Kristiyano ay talaga sanang kami ay naging higit sa pagkamatuwid kaysa sa kanila," sapagkat may dumating nga sa inyo na isang aklat na pinababa ni Allāh sa Propeta ninyong si Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – sa wika ninyo. Iyon ay isang katwirang maliwanag, isang paggabay tungo sa katotohanan, at isang awa para sa Kalipunang Islām. Kaya huwag kayong magpalusot sa pamamagitan ng mga mahinang palusot at magdahilan sa pamamagitan ng mga bulaang dahilan. Walang isa mang higit na mabigat sa kawalang-katarungan kaysa sa nagpasinungaling sa mga tanda ni Allāh at lumihis sa mga ito. Magpaparusa Siya sa mga lumilihis sa mga tanda Niya ng isang matinding parusa sa pamamagitan ng pagpapasok sa kanila sa Apoy ng Impiyerno bilang isang ganti sa paglihis nila at pag-ayaw nila sa mga ito.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: