Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-An‘ām — Talata 157 (Tagalog) — Bidyo

Al-An‘ām • Talata 157 sa 165 • Tagalog


أَوْ تَقُولُوا لَوْ أَنَّا أُنْزِلَ عَلَيْنَا الْكِتَابُ لَكُنَّا أَهْدَىٰ مِنْهُمْ ۚ فَقَدْ جَاءَكُمْ بَيِّنَةٌ مِنْ رَبِّكُمْ وَهُدًى وَرَحْمَةٌ ۚ فَمَنْ أَظْلَمُ مِمَّنْ كَذَّبَ بِآيَاتِ اللَّهِ وَصَدَفَ عَنْهَا ۗ سَنَجْزِي الَّذِينَ يَصْدِفُونَ عَنْ آيَاتِنَا سُوءَ الْعَذَابِ بِمَا كَانُوا يَصْدِفُونَ 157
Pagsasalin:
o [dahil baka] magsabi kayo: “Kung sakaling kami ay pinababaan ng kasulatan, talaga sanang kami ay naging higit na napatnubayan kaysa sa kanila [na binabaan ng kasulatan],” sapagkat may dumating nga sa inyo na isang malinaw na patunay mula sa Panginoon ninyo, isang patnubay, at isang awa. Kaya sino pa ang higit na tagalabag sa katarungan kaysa sa sinumang nagpasinungaling sa mga tanda ni Allāh at lumihis palayo sa mga ito? Gaganti Kami sa mga lumilihis palayo sa mga tanda Namin ng kasagwaan ng pagdurusa dahil sila noon ay lumilihis. Al-An‘ām 6:157
Tafsīr:
Upang hindi kayo magsabi: "Kung sakaling nagbaba si Allāh sa amin ng isang kasulatan gaya ng pinababa Niya sa mga Hudyo at mga Kristiyano ay talaga sanang kami ay naging higit sa pagkamatuwid kaysa sa kanila," sapagkat may dumating nga sa inyo na isang aklat na pinababa ni Allāh sa Propeta ninyong si Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – sa wika ninyo. Iyon ay isang katwirang maliwanag, isang paggabay tungo sa katotohanan, at isang awa para sa Kalipunang Islām. Kaya huwag kayong magpalusot sa pamamagitan ng mga mahinang palusot at magdahilan sa pamamagitan ng mga bulaang dahilan. Walang isa mang higit na mabigat sa kawalang-katarungan kaysa sa nagpasinungaling sa mga tanda ni Allāh at lumihis sa mga ito. Magpaparusa Siya sa mga lumilihis sa mga tanda Niya ng isang matinding parusa sa pamamagitan ng pagpapasok sa kanila sa Apoy ng Impiyerno bilang isang ganti sa paglihis nila at pag-ayaw nila sa mga ito.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-An‘ām • Talata 156 Susunod Al-An‘ām • Talata 158