Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-An‘ām — Talata 158 (Tagalog) — Bidyo

Al-An‘ām • Talata 158 sa 165 • Tagalog


هَلْ يَنْظُرُونَ إِلَّا أَنْ تَأْتِيَهُمُ الْمَلَائِكَةُ أَوْ يَأْتِيَ رَبُّكَ أَوْ يَأْتِيَ بَعْضُ آيَاتِ رَبِّكَ ۗ يَوْمَ يَأْتِي بَعْضُ آيَاتِ رَبِّكَ لَا يَنْفَعُ نَفْسًا إِيمَانُهَا لَمْ تَكُنْ آمَنَتْ مِنْ قَبْلُ أَوْ كَسَبَتْ فِي إِيمَانِهَا خَيْرًا ۗ قُلِ انْتَظِرُوا إِنَّا مُنْتَظِرُونَ 158
Pagsasalin:
Naghihintay kaya sila maliban pa na pumunta sa kanila ang mga anghel o pumunta ang Panginoon mo o pumunta ang ilan sa mga tanda ng Panginoon mo? Sa araw na pumunta ang ilan sa mga tanda ng Panginoon mo ay hindi magpapakinabang sa isang kaluluwa ang pananampalataya nito [kung] hindi ito dating sumampalataya bago pa niyan o nagkamit ito sa pananampalataya nito ng isang kabutihan. Sabihin mo: “Maghintay kayo; tunay na Kami ay mga naghihintay.” Al-An‘ām 6:158
Tafsīr:
Naghihintay kaya ang mga tagapasinungaling maliban pa na pumunta sa kanila ang anghel ng kamatayan at ang mga tagatulong nito para kunin ang mga kaluluwa nila sa Mundo; o pumunta ang Panginoon mo sa Araw ng Pagpapasya sa Kabilang-buhay, O Sugo, para sa pagpapasya ng husga sa pagitan nila; o pumunta ang ilan sa mga tanda ng Panginoon mo na nagpapatunay sa Huling Sandali? Sa araw na pupunta ang ilan sa mga tanda ng Panginoon mo, gaya ng pagsikat ng araw mula sa kanluran nito, ay hindi magpapakinabang sa isang tatangging sumampalataya ang pananampalataya nito at hindi magpapakinabang sa isang mananampalataya ang gawain nito [kung] hindi siya gumawa ng isang kabutihan bago pa nito. Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagtambal na tagapasinungaling na ito: "Maghintay kayo sa isa sa mga bagay na ito; tunay na Kami ay mga naghihintay."
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-An‘ām • Talata 157 Susunod Al-An‘ām • Talata 159