Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-An‘ām — Talata 159 (Tagalog) — Bidyo

Al-An‘ām • Talata 159 sa 165 • Tagalog


إِنَّ الَّذِينَ فَرَّقُوا دِينَهُمْ وَكَانُوا شِيَعًا لَسْتَ مِنْهُمْ فِي شَيْءٍ ۚ إِنَّمَا أَمْرُهُمْ إِلَى اللَّهِ ثُمَّ يُنَبِّئُهُمْ بِمَا كَانُوا يَفْعَلُونَ 159
Pagsasalin:
Tunay na ang mga nagwatak-watak sa relihiyon nila at sila ay naging mga sekta, hindi ka kabilang sa kanila sa anuman. Ang nauukol sa kanila ay nasa kay Allāh lamang. Pagkatapos magbabalita Siya sa kanila hinggil sa anumang dati nilang ginagawa. Al-An‘ām 6:159
Tafsīr:
Tunay na ang mga gumawa sa relihiyon nila na nagkahati-hati kabilang sa mga Hudyo at mga Kristiyano yayamang kumuha sila ng isang bahagi nito at nag-iwan sila ng isang bahagi nito at sila ay naging mga sektang nagkaiba-iba, ikaw, O Sugo, ay hindi kabilang sa kanila sa anuman sapagkat ikaw ay walang-kaugnayan sa anumang taglay nilang pagkaligaw. Walang kailangan sa iyo kundi ang pagbibigay-babala sa kanila sapagkat ang nauukol sa kanila ay nakatalaga kay Allāh. Pagkatapos Siya, sa Araw ng Pagbangon, ay magpapabatid sa kanila hinggil sa anumang dati nilang ginagawa sa Mundo para gumanti Siya sa kanila roon.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-An‘ām • Talata 158 Susunod Al-An‘ām • Talata 160