Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-An‘ām — Talata 160 (Tagalog) — Bidyo

Al-An‘ām • Talata 160 sa 165 • Tagalog


مَنْ جَاءَ بِالْحَسَنَةِ فَلَهُ عَشْرُ أَمْثَالِهَا ۖ وَمَنْ جَاءَ بِالسَّيِّئَةِ فَلَا يُجْزَىٰ إِلَّا مِثْلَهَا وَهُمْ لَا يُظْلَمُونَ 160
Pagsasalin:
Ang sinumang naghatid ng magandang gawa ay ukol sa kanya ang sampung tulad nito, at ang sinumang naghatid ng masagwang gawa ay hindi siya gagantihan maliban ng tulad nito; at sila ay hindi lalabagin sa katarungan. Al-An‘ām 6:160
Tafsīr:
Ang sinumang naghatid sa Araw ng Pagbangon ng isang gawang maganda kabilang sa mga mananampalataya ay pag-iibayuhin ito ni Allāh para sa kanya na maging sampung magandang gawa. Ang sinumang naghatid ng isang gawang masagwa ay hindi siya parurusahan maliban ng tulad nito sa gaan at bigat, hindi higit kaysa rito. Sila, sa Araw ng Pagbangon, ay hindi lalabagin sa katarungan sa pamamagitan ng pagbawas sa gantimpala sa mga magandang gawa ni ng pagdagdag sa parusa sa mga masagwang gawa.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-An‘ām • Talata 159 Susunod Al-An‘ām • Talata 161