Surah Al-An‘ām (Ang mga Alagang Hayop — الأنعام) (Talata 158)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Naghihintay kaya sila maliban pa na pumunta sa kanila ang mga anghel o pumunta ang Panginoon mo o pumunta ang ilan sa mga tanda ng Panginoon mo? Sa araw na pumunta ang ilan sa mga tanda ng Panginoon mo ay hindi magpapakinabang sa isang kaluluwa ang pananampalataya nito [kung] hindi ito dating sumampalataya bago pa niyan o nagkamit ito sa pananampalataya nito ng isang kabutihan. Sabihin mo: “Maghintay kayo; tunay na Kami ay mga naghihintay.” (158)
Tafsīr
Naghihintay kaya ang mga tagapasinungaling maliban pa na pumunta sa kanila ang anghel ng kamatayan at ang mga tagatulong nito para kunin ang mga kaluluwa nila sa Mundo; o pumunta ang Panginoon mo sa Araw ng Pagpapasya sa Kabilang-buhay, O Sugo, para sa pagpapasya ng husga sa pagitan nila; o pumunta ang ilan sa mga tanda ng Panginoon mo na nagpapatunay sa Huling Sandali? Sa araw na pupunta ang ilan sa mga tanda ng Panginoon mo, gaya ng pagsikat ng araw mula sa kanluran nito, ay hindi magpapakinabang sa isang tatangging sumampalataya ang pananampalataya nito at hindi magpapakinabang sa isang mananampalataya ang gawain nito [kung] hindi siya gumawa ng isang kabutihan bago pa nito. Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagtambal na tagapasinungaling na ito: "Maghintay kayo sa isa sa mga bagay na ito; tunay na Kami ay mga naghihintay."
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: