Surah Al-An‘ām (Ang mga Alagang Hayop — الأنعام) (Talata 159)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Tunay na ang mga nagwatak-watak sa relihiyon nila at sila ay naging mga sekta, hindi ka kabilang sa kanila sa anuman. Ang nauukol sa kanila ay nasa kay Allāh lamang. Pagkatapos magbabalita Siya sa kanila hinggil sa anumang dati nilang ginagawa. (159)
Tafsīr
Tunay na ang mga gumawa sa relihiyon nila na nagkahati-hati kabilang sa mga Hudyo at mga Kristiyano yayamang kumuha sila ng isang bahagi nito at nag-iwan sila ng isang bahagi nito at sila ay naging mga sektang nagkaiba-iba, ikaw, O Sugo, ay hindi kabilang sa kanila sa anuman sapagkat ikaw ay walang-kaugnayan sa anumang taglay nilang pagkaligaw. Walang kailangan sa iyo kundi ang pagbibigay-babala sa kanila sapagkat ang nauukol sa kanila ay nakatalaga kay Allāh. Pagkatapos Siya, sa Araw ng Pagbangon, ay magpapabatid sa kanila hinggil sa anumang dati nilang ginagawa sa Mundo para gumanti Siya sa kanila roon.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: