Surah Al-An‘ām (Ang mga Alagang Hayop — الأنعام) (Talata 160)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Ang sinumang naghatid ng magandang gawa ay ukol sa kanya ang sampung tulad nito, at ang sinumang naghatid ng masagwang gawa ay hindi siya gagantihan maliban ng tulad nito; at sila ay hindi lalabagin sa katarungan. (160)
Tafsīr
Ang sinumang naghatid sa Araw ng Pagbangon ng isang gawang maganda kabilang sa mga mananampalataya ay pag-iibayuhin ito ni Allāh para sa kanya na maging sampung magandang gawa. Ang sinumang naghatid ng isang gawang masagwa ay hindi siya parurusahan maliban ng tulad nito sa gaan at bigat, hindi higit kaysa rito. Sila, sa Araw ng Pagbangon, ay hindi lalabagin sa katarungan sa pamamagitan ng pagbawas sa gantimpala sa mga magandang gawa ni ng pagdagdag sa parusa sa mga masagwang gawa.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: