Surah Al-An‘ām (Ang mga Alagang Hayop — الأنعام) (Talata 164)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




6 Al-An‘ām(الأنعام), Talata 164

قُلْ أَغَيْرَ اللَّهِ أَبْغِي رَبًّا وَهُوَ رَبُّ كُلِّ شَيْءٍ ۚ وَلَا تَكْسِبُ كُلُّ نَفْسٍ إِلَّا عَلَيْهَا ۚ وَلَا تَزِرُ وَازِرَةٌ وِزْرَ أُخْرَىٰ ۚ ثُمَّ إِلَىٰ رَبِّكُمْ مَرْجِعُكُمْ فَيُنَبِّئُكُمْ بِمَا كُنْتُمْ فِيهِ تَخْتَلِفُونَ 164 ١٦٤

Sabihin mo: “Sa iba pa ba kay Allāh maghahangad ako bilang Panginoon samantalang Siya ay Panginoon ng bawat bagay? Walang [kasalanang] nakakamit ang bawat kaluluwa malibang laban dito. Hindi magpapasan ang isang tagapasan ng pasanin ng iba. Pagkatapos tungo sa Panginoon ninyo ang babalikan ninyo saka magbabalita Siya sa inyo hinggil sa anumang kayo noon hinggil doon ay nagkakaiba-iba.” (164)

Tafsīr
Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagtambal na ito: "Sa iba pa ba kay Allāh maghahanap ako ng isang Panginoon samantalang Siya – kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya – ay Panginoon ng bawat bagay? Siya ay ang Panginoon ng mga sinasambang sinasamba ninyo bukod pa sa Kanya. Hindi magpapasan ang isang inosente ng pagkakasala ng iba pa sa kanya. Pagkatapos tungo sa Panginoon ninyo lamang ang pagbabalik ninyo sa Araw ng Pagbangon saka magbabalita Siya sa inyo hinggil sa anumang kayo noon ay nagkakaiba-iba hinggil doon sa Mundo kabilang sa usapin ng relihiyon."

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba