Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-An‘ām — Talata 164 (Tagalog) — Bidyo

Al-An‘ām • Talata 164 sa 165 • Tagalog


قُلْ أَغَيْرَ اللَّهِ أَبْغِي رَبًّا وَهُوَ رَبُّ كُلِّ شَيْءٍ ۚ وَلَا تَكْسِبُ كُلُّ نَفْسٍ إِلَّا عَلَيْهَا ۚ وَلَا تَزِرُ وَازِرَةٌ وِزْرَ أُخْرَىٰ ۚ ثُمَّ إِلَىٰ رَبِّكُمْ مَرْجِعُكُمْ فَيُنَبِّئُكُمْ بِمَا كُنْتُمْ فِيهِ تَخْتَلِفُونَ 164
Pagsasalin:
Sabihin mo: “Sa iba pa ba kay Allāh maghahangad ako bilang Panginoon samantalang Siya ay Panginoon ng bawat bagay? Walang [kasalanang] nakakamit ang bawat kaluluwa malibang laban dito. Hindi magpapasan ang isang tagapasan ng pasanin ng iba. Pagkatapos tungo sa Panginoon ninyo ang babalikan ninyo saka magbabalita Siya sa inyo hinggil sa anumang kayo noon hinggil doon ay nagkakaiba-iba.” Al-An‘ām 6:164
Tafsīr:
Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagtambal na ito: "Sa iba pa ba kay Allāh maghahanap ako ng isang Panginoon samantalang Siya – kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya – ay Panginoon ng bawat bagay? Siya ay ang Panginoon ng mga sinasambang sinasamba ninyo bukod pa sa Kanya. Hindi magpapasan ang isang inosente ng pagkakasala ng iba pa sa kanya. Pagkatapos tungo sa Panginoon ninyo lamang ang pagbabalik ninyo sa Araw ng Pagbangon saka magbabalita Siya sa inyo hinggil sa anumang kayo noon ay nagkakaiba-iba hinggil doon sa Mundo kabilang sa usapin ng relihiyon."
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-An‘ām • Talata 163 Susunod Al-An‘ām • Talata 165