Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-An‘ām — Talata 165 (Tagalog) — Bidyo

Al-An‘ām • Talata 165 sa 165 • Tagalog


وَهُوَ الَّذِي جَعَلَكُمْ خَلَائِفَ الْأَرْضِ وَرَفَعَ بَعْضَكُمْ فَوْقَ بَعْضٍ دَرَجَاتٍ لِيَبْلُوَكُمْ فِي مَا آتَاكُمْ ۗ إِنَّ رَبَّكَ سَرِيعُ الْعِقَابِ وَإِنَّهُ لَغَفُورٌ رَحِيمٌ 165
Pagsasalin:
Siya ay ang gumawa sa inyo bilang mga kahalili sa lupa. Nag-angat Siya sa iba sa inyo higit sa iba sa mga antas upang sumubok Siya sa inyo sa ibinigay Niya sa inyo. Tunay na ang Panginoon mo ay mabilis ang parusa at tunay na Siya ay talagang Mapagpatawad, Maawain. Al-An‘ām 6:165
Tafsīr:
Si Allāh ay ang gumawa sa inyo na humahalili sa nauna sa inyo sa lupa para sa pagsasagawa ng paglinang nito. Nag-angat Siya sa ilan sa inyo sa mga antas sa pagkakalikha, pagtustos, at iba pa sa mga ito higit sa iba upang sumubok Siya sa inyo sa ibinigay Niya sa inyo mula roon. Tunay na ang Panginoon mo, O Sugo, ay mabilis ang parusa sapagkat Siya ay malapit sa bawat dumarating. Tunay na Siya ay talagang Mapagpatawad sa sinumang nagbalik-loob kabilang sa mga lingkod Niya, Maawain dito.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-An‘ām • Talata 164 Susunod Al-A‘rāf • Talata 1